U.S.
Department of Justice [Kagawaran ng Katarungan]
Civil Rights Division
Disability Rights Section
Frequently Asked Questions [Karaniwang Katanungan] tungkol sa Service Animals [Serbisyo sa mga Hayop] at ang ADA
Maraming taong may kapansanan ang gumagamit ng service animal [serbisyo ng hayop] upang ganap na tumugon sa pang araw-araw na buhay. Maaaring sanayin ang mga aso upang magsagawa ng maraming bagay upang tumulong sa mga tao na may kapansanan, tulad ng pagbibigay ang gabay para sa taong nahihirapan sa paglalakad, pagpulot ng mga gamit ng mga tao na gumagamit ng wheelchair, pagpigil umalis sa mga sanggol na may autismo, o sumenyas sa isang tao na bingi kapag may taong papalapit sa kanya mula sa likod.
Patuloy na nakatatanggap ang Department of Justice ng maraming katanungan tungkol sa kung paano ipinapatupad ang mga service animal sa Americans with Disabilities Act (ADA). Hinihiling ng ADA sa mga ahensya ng Estado at lokal na pamahalaan, organisasyon, at mga non-profit na organisasyon (sakop na mga negosyo) na naglalaan ng mga pagkain at serbisyo sa publiko na magsagawa ng "makatuwirang modipikasyon" sa kanilang mga patakaran, gawain, o proseso kapag kailangang pagserbisyohan ang mga taong may kapansanan. Ang mga alituntunin sa service animal ay sakop ng pangkalahatang prinsipyo na ito. Alinsunod dito, ang mga negosyo na mayroong patakaran na "no pets" [walang alagang hayop] ay sa pangkalahatang kailangang baguhin upang magpahintulot sa mga service animal sa kanilang mga gusali. Ang lathalang ito ay naglalaan ng gabay sa probisyon sa service animal ng ADA at dapat basahin kasama ng lathala na ADA Revised Requirements: Service Animals.
Definition | General Rules | Certification and Registration
Breeds | Exclusion of Service Animals | Miscellaneous | Resources
DEPINISYON NG SERVICE ANIMAL
Q1. Ano ang service animal?
A. Sa ilalim ng ADA, pinakakahulugan ang service animal bilang isang aso na sadyang sinanay na magtrabaho o magsagawa ng tungkulin para sa isang indibidwal na may kapansanan. Ang (mga) tungkulin na ginagawa ng aso ay dapat direktang kaugnay sa kapansanan ng tao.
Q2. Ano ang ibig sabihin ng "gumawa ng trabaho o magsagawa ng mga tungkulin"?
A. Ang aso ay dapat sanay na magsagawa ng mga tiyak na aksyon kapag kailangang gumabay sa mga taong may kapansanan. Halimbawa, ang isang tao na may diyabetis ay maaaring mayroong aso na sinanay na humudyat sa kanya kapag ang kanyang asukal sa dugo ay umabot sa masyadong mataas o mababang antas. Ang taong may depresyon ay maaaring mayroong aso na sinanay na magpaalala sa kanyang uminom ng gamot. O, isang tao na may epilepsy ay maaaring mayroong aso na sinanay na nakapansin sa simula ng isang seizure at matapos ay tumulong sa tao na manatiling ligtas sa panahon na ito.
Q3. Ang emotional support, therapy, comfort, o mga companion animal ba ay itinuturing din na mga service animal sa ilalim ng ADA?
A. Hindi. Ang mga termino na ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga hayop na nagbibigay ginhawa dahil lang sa pagsama sa tao. Dahil hindi sila nasanay na magsagawa ng mga tiyak na trabaho o tungkulin, sila ay hindi kwalipikado bilang mga service animal sa ilalim ng ADA. Subalit, may mga batas ang ilang mga estado o lokal na pamahalaan na nagpapahintulot sa mga tao na dalhin sa pampublikong lugar ang mga hayop kung saan nakakukuha sila ng emotional support. Maaari ninyong tingnan ang inyong mga ahensya ng estado o lokal na pamahalaan upang malaman ang tungkol sa mga batas na ito.
Q4. Kung ang aso ng isang tao ay nagpapakalma sa kanya kapag mayroong anxiety attack, itinuturing ba ito bilang isang service animal?
A. Depende. Nagbibigay ang ADA ng pagkakaiba sa pagitan ng mga psychiatric service animal at emotional support animal. Kung sinanay ang aso na makaramdam ng maaaring mangyari na ang anxiety attack at magsagawa ng tiyak na aksyon na makatulong iwasan ang atake o bawasan ang epekto nito, iyon ay maaaring ituring bilang isang service animal. Subalit, kung ang pagkakaroon lamang ng aso ay nagbibigay ginhawa, hindi ito maituturing bilang isang service animal sa ilalim ng ADA.
Q5. Hinihiling ba ng ADA na propesyunal na nasanay ang mga service animal?
A. Hindi. Mayroong karapatan ang mga taong may kapansanan na magsanay ng mga aso nang sarili nila at hindi kailangan gumamit ng isang programa sa propesyunal na serbisyo sa pagsasanay ng aso.
Q6. Ang mga nasa service-animals-in-training ba ay itinuturing bilang mga service animal sa ilalim ng ADA?
A. Hindi. Sa ilalim ng ADA, kailangan ay sanay na ang aso bago pa ito dalhin sa mga pampublikong lugar. Subalit, may ilang mga batas ng estado o lokal ang mga sumasakop sa mga hayop na kasalukuyang sinasanay.
PANGKALAHATANG PATNUBAY
Q7. Anong mga tanong ang maaaring ibigay ng mga empleyado ng sakop na negosyo upang matukoy kung ang aso ay isang service animal?
A. Sa mga sitwasyon na ang aso ay mukhang hindi service animal, maaaring magtanong ang kawani ng dalawang tiyak na tanong lamang: (1) ang aso ba ay kinakailangang service animal dahil sa kapansanan? at (2) anong trabaho o tungkulin sinanay ang aso? Hindi pinahihintulutan ang kawani na humiling ng anumang dokumentasyon para sa aso, hilingin na ipakita ng aso ang kanyang tungkulin, o mag-usisa tungkol sa uri ng kapansanan ng tao.
Q8. Ang mga service animal ba ay kailangang magsuot ng chaleko o tatak o espesyal na tali na tumutukoy sa kanila bilang mga service animal?
A. Hindi. Hindi hinihiling ng ADA na ang mga service animal na magsuot ng chaleko, ID tag, o espesyal na tali.
Q9. Sino ang may pananagutan para sa pangangalaga at superbisyon ng service animal?
A. Ang handler ang responsable sa pag-alaga at pamamahala sa service animal, na kasama ang pagdumi, pagpakain, at pagpaligo at pangangalagang beterinaryo. Ang mga sakop na negosyo ay walang obligasyon na pamahalaan o anumang pangangalaga sa service animal.
Q10. Maaari bang isama ng tao ang service animal kapag sila ay pumunta sa isang salad bar o ibang self-service na bilihan ng pagkain?
A.Oo. Dapat pahintulutan ang mga service animal na samahan ang kanilang mga handler sa at habang nasa self-service na bilihan ng pagkain. Tulad din, hindi maaaring pagbawalan ang mga service animal sa mga lugar kung saan nagtitipon para kumain, tulad ng karaniwang nakikitang silungan o mga dormitoryo.
Q11. Maaari bang magtakda ang mga hotel ng mga kwarto para sa mga bisita na may mga service animal, bilang pagsaalang-alang sa ibang mga bisita?
A. Hindi. Ang bisita na may kapansanan na gumagamit ng service animal ay dapat mabigyan ng kaparehong pagkakataon na mareserba sa anumang magagamit na silid sa hotel tulad ng ibang mga bisita na walang kapansanan. Hindi sila maaaring isilid lamang sa mga "pet-friendly" na kwarto.
Q12. Maaari bang maningil ang mga hotel ng kabayaran para sa paglinis para sa mga bisita na may mga service animal?
Hindi. Hindi pinahihintulutan ang mga hotel na maningil sa mga bisita para sa paglinis ng mga buhok o balakubak na nalalaglag mula sa mga service animal. Subalit, kung mapipinsala ng service animal ang silid, maaaring maningil ang hotel ng kaparehong bayad para sa mga pinsala tulad ng sisingilin sa ibang mga bisita.
Q13. Maaari bang magdala ang mga tao nang lampas sa isang service animal sa mga pampublikong lugar?
A. Sa pangkalahatan, oo. Ang ilang mga tao na may kapansanan ay maaaring gumamit ng lampas sa isang service animal upang magsagawa ng ibang tungkulin. Halimbawa, ang mga tao ay may kapansanang biswal at seizure disorder ay maaaring gumamit ng lampas sa isang service animal upang gumabay sa paghanap ng daraanan at ang isa ay sinanay bilang aso na pang seizure alert. Ang ibang mga tao ay maaaring mangailangan ng dalawang service animal para sa parehong tungkulin, tulad ng isang tao na kailangan ng dalawang aso na gumabay sa kanya upang maging tiyak habang lumalakad. Maaaring magtanong ang kawani ng pinahihintulutang dalawang katanungan (Tingnan ang Question 7) tungkol sa bawat aso. Kung maaari ang parehong aso, dapat pahintulutan ang pareho. Sa ilang mga pagkakataon, subalit, maaaring hindi posible na pahintulutan ang lampas sa isang service animal. Halimbawa, sa isang mataong maliit na restawran, isang aso lamang ang maaaring magkasya sa isang lamesa. ang ibang lugar lamang para sa sunod na aso ay sa gitna, na siyang haharang sa espasyo sa pagitan ng mga lamesa. sa pagkakataong ito, maaaring hilingin ng kawani na iwanan ang isang aso sa labas.
Q14. Dapat bang payagan ng ospital ang in-patient na may kapansanan na isama ang service animal sa kanyang silid?
A. Sa pangkalahatan, oo. Dapat payagan ang mga service animal sa mga silid ng pasyente at saan man sa ospital na kung saan pinapayagan ang publiko at mga pasyente na magtungo. Hindi sila maaaring ihiwalay sa mga lugar na maaaring ibigay ng mga kawani nang tulad na serbisyo.
Q15. Anong mangyayari kung ang pasyente na gumagamit ng service animal ay na-admit sa ospital at hindi na magawang pangalagaan o pamahalaan ang kanilang hayop?
A. Kung hindi na magawang pangalagaan ng pasyente ang kanilang service animal, maaaring makipag-ayos ang pasyente para sa isang miyembro ng pamilya o kaibigan na magtungo sa ospital para sa mga serbisyong ito, at mas hinahangad na ang service animal at ang kanyang handler ay hindi mahiwalay, o isama ang aso sa panahon ng pagpasok sa ospital. Kung hindi maalagaan ng pasyente ang aso at hindi maayos ng ibang tao na alagaan ang aso, maaaring ilagay ng ospital ang aso sa isang boarding facility hanggang lumabas ang pasyente, o magsagawa ng ibang angkop na pagsasa-ayos. Subalit, kailangang magbigay ang ospital ng pagkakataon sa pasyente na magsagawa ng pagsasa-ayos para sa pangangalaga ng aso bago gumawa ng nasabing hakbang.
Q16. Kailangan bang sumakay ang service animal sa ambulansya kasama ng kanyang handler?
A. Sa pangkalahatan, oo. Subalit, kung ang espasyo sa ambulansya ay puno na at ang aso ay makasasagabal sa kakayahan ang emergency medical staff na gamutin ang pasyente, dapat magsagawa ang kawani ng ibang pagsasa-ayos upang maihatid ang aso sa ospital.
SERTIPIKASYON AT REHISTRASYON
Q17. Hinihiling ba ng ADA na ang mga service animal ay sertipikado bilang mga service animal?
A. Hindi. Ang mga sakop na negosyo ay hindi maaaring humingi ng dokumentasyon, tulad ng patunay na ang hayop ay sertipikado, nasanay, o lisensyado bilang isang service animal, bilang kondisyon sa pagpasok.
Ito ay mga indibidwal at organisasyon na nagbebenta ng mga sertipikasyon o rehistrasyon ng mga service animal na dokumento nang online. Ang mga dokumentong ito ay hindi nagbibigay ng anumang karapatan sa ilalim ng ADA at hindi kinikilala ng Kagawaran ng Katarungang ang mga ito bilang katibayan na ang aso ay isang service animal.
Q18. Ang aking lungsod ay sapilitang ipinababakuna ang lahat ng mga aso. Sakop ba nito ang aking service animal?
A. Oo. Ang mga indibidwal na mayroong mga service animal ay hindi labas mula sa lokal na pagkontrol ng hayop o pangangailangan sa pampublikong kalusugan.
Q19. Sapilitang rinirehistro at binibigyang lisensya ng lungsod ang lahat ng mga aso. Sakop ba nito ang aking service animal?
A. Oo. Ang mga service animal ay sakop ng lokal na paglisensya sa mga aso at pangangailangan sa pagrehistro.
Q20. Kinakailangan ng aking lungsod na irehistro ko ang aking aso bilang isang service animal. Ito ba ay legal sa ilalim ng ADA?
A. Hindi. Ang sapilitang pagpaparehistro ng mga service animal ay hindi pinahihintulutan sa ilalim ng ADA. Subalit, tulad ng nakasaad sa itaas, ang mga service animal ay maaaring sakop ng parehong alituntunin sa paglisensya at pagbakuna na ipinapatupad sa lahat ng mga aso.
Q21. Ang aking lungsod / kolehiyo ay nag-aalok ng programa sa boluntaryong pagrehistro para sa mga taong may kapansanan na gumagamit ng mga service animal at naglalaan ng espesyal na tag na tumutukoy sa mga aso bilang mga service animal. Legal ba ito sa ilalim ng ADA?
A. Oo. Ang mga kolehiyo at ibang organisasyon, tulad ng lokal na pamahalaan, ay maaaring mag-alok ng mga boluntaryong pagrehistro. Maraming pamayanan ang mayroong boluntaryong pagrehistro na nagsisilbi sa mga layuning pampubliko, halimbawa, upang masiguradog alam ng emergency staff kung ano ang hahanapin sa panahon ng proseso ng emergency evacuation. Ang ilan ay nagbibigay ng benepisyo, tulad ng bawas na bayad sa paglisensya ng aso, para sa mga indibidwal na nagparehistro ng kanilang mga service animal. Ang mga pagrehistro para sa mga layuning ganito ay pinapahintulutan sa ilalim ng ADA. Ang organisasyon ay hindi maaaring, subalit, hilingin na ang aso ay marehistro bilang service animal bilang kondisyon upang pahintulutan sa mga pampublikong lugar. Ito ay magiging isang paglabag sa ADA.
MGA LAHI
Q22. Ang mga service animal ba ay maaaring anumang lahi ng aso?
A.Oo. Hindi pinaghihigpitan ng ADA ang lahi ng aso na maaaring maging service animal.
Q23. Maaari bang ipagbawal ang access ng mga indibidwal na may kapansanan sa mga pasilidad base lamang sa lahi ng kanilang service animal?
A. Hindi. Ang service animal ay hindi maaaring ihiwalay batay sa mga palagay o kinagawian tungkol sa mga lahi ng hayop o kung paano kumilos ang hayop. Subalit, kung ang partikular na hayop ay nagbibigay ng direktang banta sa kalusugan at kaligtasan ng iba, mayroong kasaysayan nang nasabing kilos, o hindi nasa ilalim ng kontrol ng handler, ang nasabing hayop ay maaaring ihiwalay. Kung ang hayop ay hiniwalay dahil sa mga nasabing dahilan, kailangan pa ring mag-alok ang mga kawani ng gamit o serbisyo sa tao nang wala ang hayop.
Q24. Kung mayroong ordinansa ang munisipyo na nagbabawal sa ilang mga lahi ng aso, umiiral ba ang pagbabawal na ito sa mga service animal?
A. Hindi. Ang mga munisipyo na nagbabawal sa mga kakaibang lahi ng aso ay dapat magbigay ng eksepsyon para sa service animal na ipinagbabawal na lahi, maliban kung ang aso ay nagdudulot ng direktang panganib sa kalusugan at kaligtasan ng iba. Sa ilalim ng probisyon ng “direct threat” [direktang panganib] ng ADA, kailangan tiyakin ng mga lokal na hurisdiksyon, sa bawat kaso, kung ang partikular na service animal ay maaaring ihiwalay batay sa sinabing partikular na ugali o kasaysayan ng aso, ngunit hindi nila maaaring ihiwalay ang isang service animal dahil sa takot o pananaw tungkol sa kung ano ang maaaring ugali ng aso. Mahalagang tandaan na ang pagbabawal sa mga lahi ay ganap na magkaka-iba sa iba't ibang hurisdiksyon. Sa katotohanan, walang pagbabawal sa lahi ang ilang mga hurisdiksyon.
PAGHIWALAY NG MGA SERVICE ANIMAL
Q25. Kailan maaaring ihiwalay ang mga service animal?
A. Hindi hinihiling ng ADA na baguhin ang mga patakaran, gawain, o proseso ng mga organisasyon kung ito ay "lubos na magbabago" sa uri ng gamit, serbisyo, programa, o gawaing inilalaan sa publiko. O kaya ipagwawalang-bisa ang mga pangangailangan sa kaligtasan. Kung ang pagtanggap sa mga service animal ay lubos na magbabago sa uri ng serbisyo o programa, maaaring ipagbawal ang mga service animal. Bilang karagdagan, kung ang partikular na service animal ay hindi makontrol at hindi gumawa ng epektibong hakbang ang handler upang makontrol ito, o kung hindi ito mismo sinama, maaaring ihiwalay ang hayop.
Q26. Kailangan ba magkakaroon ng lubos na pagbabago sa uri ng serbisyo o programa na inaalok sa publiko kapag mayroong mga service dog?
A. Sa karaniwang mga sitwasyon, ang pagkakaroon ng service animal ay hindi magreresulta sa lubos na pagbabago. Subalit, mayroong ilang mga eksepsyon. Halimbawa, sa isang boarding school, ang mga service animal ay maaaring ipagbawal sa isang tiyak na lugar ng dormitoryong nakareserba para sa mga mag-aaral na mayroong allergy sa balakubak ng aso. Sa isang zoo, ang mga service animal ay maaaring ipagbawal mula sa mga lugar na kung saan ang ipinapakitang mga hayop ay kalaban ng mga aso o sadyang kaaway ng mga aso, na kung saan ang pagkakaroon ng aso ay nakapanggugulo, nagdudulot sa mga hayop na maging agresibo o magalit. Hindi sila maaaring magbawal sa ibang lugar sa zoo.
Q27. Ano ang ibig sabihin ng kontrol? Kailangan bang nakatali ang mga service animal? Kailangan ba hindi silang maging tahimik at hindi tumahol?
A. Sinasaad ng ADA na ang mga service animal ay dapat nasa kontrol ng handler sa lahat ng oras. Sa karamihan ng pagkakataon, ang handler ay ang indibidwal na may kapansanan o pangatlong partido na kasama ng indibidwal na may kapansanan. Sa konteksto ng paaralan (K-12) at sa mga katulad na sitwasyon, ang paaralan o tulad na organisasyon ay kailangang maglaan ng ilang tulong upang gumabay sa isang partikular na mag-aaral upang makontrol ang kanyang service animal. Dapat nakatali ang service animal habang nasa pampublikong lugar maliban kung ang gamit na ito ay nakasasagabal sa trabaho ng mga service animal o pinipigilan ng taong may kapansanan ang paggamit ng mga ito. Sa pagkakataong iyon, dapat gumamit ang tao ng boses, senyales, o ibang epektibong paraan upang mapanatili ang kontrol sa hayop. Halimbawa, ang isang tao na gumagamit ng silyang may gulong ay maaaring gumamit ng mahaba, bumabalik na tali upang pahintulutan ang kanyang service animal na pumulot o kumuha ng mga gamit. Hindi siya maaaring hayaan na pabayaang gumala ang aso na malayo sa kanya at dapat kailangan ay manatiling may kontrol sa aso, kahit na ito ay kumukuha ng gamit na malayo sa kanya. O, sa pagbabalik ng beterano na may PTSD na sobrang nahihirapan pumasok sa di-kilalang lugar ay maaaring magkaroon ng aso na nasanay na pumasok sa espasyo, tingnan kung walang panganib doon, at bumalik at sumenyas na ligtas nang pumasok. Ang aso ay dapat walang tali upang magawa nito ang kanyang trabaho, ngunit maaaring itali sa ibang oras. Ang kontrol ay nangangahulugan din bilang ang service animal ay hindi pinapayagang tumahol nang paulit-ulit sa isang lecture hall, teatro, aklatan, o ibang tahimik na lugar. Subalit, kung tumahol ang aso nang minsan, o tumahol dahil may gumalit dito, ito ay nangangahulugang ang aso ay wala na sa kontrol.
Q28. Ano ang maaaring gawin ng aking kawani kung ang service animal ay nakagagambala?
A. Kung hindi na makontrol ang service animal at hindi gumawa ng epektibong aksyon ang handler upang kontrolin ito, maaaring hilingin ng kawani na ang aso ay alisin sa lugar.
Q29. Maaari bang iwan ng mga bisita ng hotel ang kanilang mga service animal sa kanilang silid kapag umaalis sila sa hotel?
A. Hindi, ang aso ay dapat nasa kontrol ng handler sa lahat ng oras.
Q30. Anong mangyayari kung sa tingin ng tao ay nagdi-diskrimina ang kawani ng sakop na organisasyon laban sa kanya?
A. Ang mga indibidwal na naniniwala na sila ay iligal na pinagbawalan sa pag-access o serbisyo dahil gumagamit sila ng mga service animal ay maaaring maghain ng reklamo sa U.S. Department of Justice. Ang mga indibidwal ay mayroon ding karapatang maghain ng pribadong reklamo sa hukumang Pederal na inirereklamo ang organisasyon sa ilalim ng ADA.
MISCELLANEOUS
Q31. Ang mga tindahan ba ay kailangan pumayag sa mga service animal na ilagay sa mga shopping cart?
A. Sa pangkalahatan, ang aso ay kailangang manatili sa sahig, o kailangan buhatin ng tao ang aso. Halimbawa, kung ang tao na may diyabetis ay mayroong glucose alert na aso, maaari niyang buhatin ang aso sa dibdib upang ito ay mapalapit sa kanyang mukha upang hayaan ang aso na maamoy ang kanyang hininga upang maalerto sa pagbabago sa antas ng glucose.
Q32. Ang mga restawran, bar, at ibang mga lugar na nag-aalok ng pagkain o inumin ba ay kailangang pahintulutan ang mga service animal na maupo sa mga upuan o hayaan ang mga hayop na kumain sa lamesa?
A. Hindi. Ang upuan, pagkain, at inumin ay inilalaan para sa gamit ng kustomer lamang. Binibigyan ng ADA ang tao na may kapansanan ng karapatang samahan ng kanyang service animal, ngunit ang mga sakop na organisasyon ay hindi kailangang pahintulutang umupo o kumain sa lamesa.
Q33. Ang mga gym, fitness center, hotel, o munisipyo na mayroong swimming pool ba ay kailangang pahintulutan ang service animal sa pool kasama ng kanyang handler?
A. Hindi. Hindi ipinagwawalang-bisa ng ADA ang mga patakaran sa pampublikong kalusugan na nagbabawal sa mga aso sa swimming pool. Subalit, maaaring hayaan ang mga service animal sa pool deck at sa ibang lugar na kung saan maaaring magtungo ang publiko.
Q34. Ang mga simbahan, templo, synagogue, mosque, at ibang mga lugar ng pagsamba ba ay kailangang pahintulutan ang mga indibidwal na dalhin ang kanilang mga service animal sa gusali?
A. Hindi. Ang mga relihiyosong institusyon at organisasyon ay hindi sakop ng ADA. Subalit, may mga batas Estado na umiiral sa mga relihiyosong organisasyon.
Q35. Ang mga apartment, mobile home park, at ibang mga ari-arian sa pabahay ba ay kailangang tumupad sa ADA?
A. Ipinapatupad ang ADA sa mga programa sa pabahay na pinamamahalaan ng estado at lokal na gobyerno, tulad ng mga awtoridad sa pampublikong pabahay, at mga lugar ng pampublikong akomodasyon, tulad ng mga pampubliko at pribadong unibersidad. Bilang karagdagan, ang Fair Housing Act ay umiiral sa halos lahat ng uri ng pabahay, parehong pampubliko at pribado-pag mamay-ari, kasama ang sakop na pabahay sa ilalim ng ADA. Sa ilalim ng Fair Housing Act, ang mga tagapaglaan ng pabahay ay obligadong pahintulutan, bilang isang makatuwirang akomodasyon, ang paggamit ng mga hayop na gumaganap ng trabaho, naglalaan ng tulong, o nagsasagawa ng mga tungkulin na mainam para sa mga taong may kapansanan, o maglaan ng emosyonal na tulong upang maibsan ang mga sintomas o epekto ng kapansanan. Para sa impormasyon tungkol sa mga pangangailangan sa Fair Housing Act na ito tingnan ang HUD na Paunawa sa Service Animal at Assistance Animals para sa mga Tao na may Kapansanan sa Pabahay at mga programang pinondohan ng HUD
Q36. Ang mga ahensyang Pederal ba, tulad ng U.S. Department of Veterans Affairs, ay kailangan tumupad sa ADA?
A. Hindi. Ang Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973 ay isang pederal na batas na nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga tao na may kapansanan na makilahok sa mga programa at serbisyong Pederal. Para sa impormasyon o upang maghain ng reklamo, makipag-ugnayan sa tanggapan ng equal opportunity ng ahensya.
Q37. Ang mga komersyal na airline ba ay dapat tumupad sa ADA?
A. Hindi. Ang Air Carrier Access Act ay isang batas Pederal na nangangalaga sa mga karapatan ng tao na may kapansanan na naglalakbay sa himpapawid. Para sa impormasyon o upang maghain ng reklamo, makipag-ugnayan sa U.S. Department of Transportation, Aviation Consumer Protection Division, sa 202-366-2220.
MGA PAGKUKUNAN
Upang makatanggap ng mga e-mail notification kapag mayroong bagong impormasyon mula sa ADA, bisitahin ang home page ng website ng ADA at i-klik ang link na malapit sa ibaba ng kanang bahagi na column.
WEBSITE NG ADA
Upang makatanggap ng mga e-mail notification kapag mayroong bagong impormasyon mula sa ADA, bisitahin ang home page ng website ng ADA at i-klik ang link na malapit sa ibaba ng kanang bahagi na column.
LINYA SA IMPORMASYON NG ADA
800-514-0301 (Voice) at 833-610-1264 (TTY)
L-M, B 9:30 a.m. – 5:30 p.m. , H 12:30 p.m. – 5:30 p.m. (Eastern Time) upang makipag-usap sa ADA Specialist. Kompidensyal ang mga tawag.
Pinahihintulutan ng Americans with Disabilities Act ang Department of Justice (ang Departmento) na maglaan ng teknikal na tulong sa mga indibidwal at organisasyon na mayroong karapatan o pananagutan sa ilalim ng Batas. Naglalaan ang dokumentong ito ng impormal na gabay upang tumulong sa iyo na maunawaan ang ADA at ang mga regulasyon ng Departmento.
Ang gabay na dokumentong ito ay hindi nilalayon na maging huling aksyon na ahensya, walang epektong legal, at maaaring putulin o baguhin sa diskresyon ng Departmento, ayon sa mga akmang batas. Ang gabay na dokumento ng Departmento, kasama ang gabay na ito, ay hindi lumilikha ng mahihiling na pananagutan labis sa mga kailangan ng mga termino ng akmang mga batas, regulasyon, o binding judicial precedent.
Para sa mga taong may kapansanan, ang paglathalang ito ay makukuha sa ibang anyo.
Hinihikayat ang pagpaparami ng dokumentong ito.
Hulyo 2015